Rice traders umaaray na sa lugi dahil sa price ceiling sa bigas

Ipinahayag ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement at Grains Retailers Confederation of the Philippines na halost P7,000 ang nalulugi sa mga rice retailers dahil sa ibinabang EO 39 na naglalagay ng price cap sa presyo ng bigas.

Umaaray na ang ilang mga rice retailers sa bansa dahil sa pagkalugi bungsod nang pagpapagtupad ng Executive Order (EO) 39 na nagtatakda ng P41–P45 per kilong price cap sa presyo ng bigas.

Sa isang press conference, sinabi ni Orly Manuntag, co-founder ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement at tagapagsalita ng Grains Retailers Confederation of the Philippines (GRECON) na nalulugi ng P7,000 kada araw ang mga retailers dahil sa nasabing price ceiling—na katumbas naman ng P49,000 kada isang linggo lamang.

“A retailer sells at least 20 bags of rice, so if they acquired the rice at P50 per kilo and they will sell at P45 per kilo, the difference is P5 per kilo. If you multiply P5 to 50 kilos, that is P250 per cavan and multiply it by 20 cavans, that is P5,000. You also need to consider the rent, labor and food, so the average is P7,000 in a day,” pahayag ni Manuntag.

Una nang ipinatupad ang EO 39 nitong Setyembre 5 bilang tugon ng pamahalaan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado.

Kaugnay rito ay ikinasa na rin ng Department of Trade and Industry ang P15,000 financial assistance para sa mga maaapektuhan ng nasabing price cap.