Rice trade, defense ties paiigtingin ng PH, Cambodia

Palalakasin ng Pilipinas at Cambodia ang palitan ng bigas at ugnayang panseguridad.

Palalakasin ng Pilipinas at Cambodia ang palitan ng bigas at ugnayang panseguridad.

Ito ang naging bunga ng pagpupulong nina Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. at Cambodian Prime Minister Hun Manet ngayong umaga.

Naganap ang bilateral meeting ng dalawang lider sa sidelines ng ASEAN-Australia Special Summit na ginaganap ngayon sa Melbourne.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), tinalakay ni Marcos at Manet ang mga epekto ng double taxation at pagpapahusay sa ease of doing business.

Gayundin, pinag-usapan ng mga pinuno ang pagpapalawig ng flight connections para sa improved accessibility sa premier tourism destinations ng dalawang bansa.

Nagkasundo sina Marcos at Hun also na palakasin ang defense ties upang tugunan ang mutual security concerns.

Bukod sa Cambodia, nakatakdang makipagpulong rin si Marcos mga opisyal ng New Zealand sa Martes.