Rice self-sufficiency pagtutulungan ni PBBM, Kamara maabot sa 2028

Puspusan ang ginagawang hakbang ng House of Representatives upang matulungan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maabot ang minimithing rice self-sufficiency ng bansa bago matapos ang termino nito sa taong 2028.

Puspusan ang ginagawang hakbang ng House of Representatives upang matulungan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maabot ang minimithing rice self-sufficiency ng bansa bago matapos ang termino nito sa taong 2028.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, pinagsusumikapan na rin ng mga pangunahing ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Agriculture at National Irrigation Administration na maging produktibo ang agriculture sector.

“Lahat ng ito kino-converge natin para mas efficient ang paggamit ng pondo. Dati, ‘yung DA may programa, NIA may programa parang hindi nag-uusap. Pero, nag-uusap na tayo. So, we feel that sa puno’t dulo nito magkakaroon tayo ng rice self-sufficiency,” ayon kay House Speaker.

“So all-of-government approach, so ‘yung Department of Agriculture, National Irrigation Authority, NFA (National Food Authority), siyempre ‘yung buong executive, ngayon ‘yung legislative nag sama-sama na,” dagdag nito.

Ipinaliwanag rin ni Romualdez kung papaano makakatulong ang pamamaraang ito sa administrasyon sa pagkamit ng rice self-sufficiency.

“Magko-construct ang DPWH (Department of Public Works and Highways) ng mas maayos na CIS (Comprehensive Irrigation Systems), interconnected ito sa mga impounding para sa tubig, para kapag umulan may flood control na nag-aasikaso, mayroon ka nang patubig, mayroon ka pang reservoir, bulk water,”

Binigyang diin pa nito na sa pag kamit ng food security, kailangang gumawa ng long term plan.

“Food security, is national security. So, talagang mahalaga talaga itong programa na ito. Unang-una, gusto nating ibaba ang presyo ng bigas na abo’t kaya ng lahat ng Pilipino, kasi ang Presidente ayaw na ayaw niya na may mahirapan o magutom na Pilipino,”

“Pero, hindi lang pwede na ganun ang iniisip, kaya ang long-term plan niya ay bago siya bumaba, we will no longer be dependent on rice imports. So, kailangan talaga rice self-sufficiency. So, kailangan mas efficient ang mga palayan natin, kailangan ng patubig at napakaraming patubig pa,”