Ricardo Cepeda nakakulong pa rin, utol sumamo ng donasyon

Nakapiit pa rin sa kulungan ang aktor na si Ricardo Cepeda matapos itong makasuhan ng syndicated estafa.

Nakapiit pa rin sa kulungan ang aktor na si Ricardo Cepeda matapos itong makasuhan ng syndicated estafa.

Kaya naman ginagawa ng kanyang pamilya ang lahat para masuportahan ang aktor, kabilang na rito ang kakambal nitong si Robert Go.

Gumawa ng GoFundMe page si Robert para matustusan ang gastusin sa legal battle ni Ricardo.

Sa kanyang donation page, nakalagay na target niyang makakolekta ng $30,000 o abot sa P1.6M.

“With 23 hearings scheduled between February and June 2024, the financial burden is overwhelming. Each court appearance costs at least $500.00, in addition to mounting attorney’s fees,” ayon kay Go.

Abot na sa lampas $6,800 ang nakokolekta ni Go para sa kanyang kapatid.

Matatandaan na naaresto si Ricardo noong October 2023 sa Caloocan City dahil sa syndicated estafa, na isang non-bailable case.

Giit ni Cepeda, nadawit lang siya sa kompanya na naging sentro ng estafa case. Aniya, brand ambassador lang siya at hindi siya kasama sa mga may-ari nito.