Rica Peralejo inaming nagplano magpakasal kay Piolo Pascual

Ikinuwento ni Rica Peralejo na nagplano sila ng dating kasintahan na si Piolo Pascual ang pagpapakasal.

Ikinuwento ni Rica Peralejo na nagplano sila ng dating kasintahan na si Piolo Pascual ang pagpapakasal.

Sa panayaman kay Boy Abunda sa “Fast Talk,” nilinaw ni Rica na wala silang label ng aktor. Subalit espesyal umano ang naging pagmamahalan nila.

“And there were talks of like, parang hindi naman diretso pero na magse-settle down together. Pero like any other couple, ganu’n lang siya. Na maiisip mo na puwedeng mangyari ito,” pahayag nito.

Sey ng aktres, hindi naman umano nagbitaw ng pangako si Piolo kung kaya’t hindi rin umano siya nag-assume.

“Pero he never naman promised. I never naman really said na I wanted this,” wika ni Rica.

“It was just something that we entertained. It never got to that point and we never labeled our relationship. But it was very, very good naman what we had together,” dagdag pa ng aktres.