Ria Atayde buntis, Zanjoe Marudo magiging tatay na!

Sinakto ni Ria Atayde sa Father's Day ang paglantad niya na totoong siya'y buntis na!

Sinakto ni Ria Atayde sa Father’s Day ang paglantad niya na totoong siya’y buntis na!

Sa kanyang Instagram post, binati ni Ria ang kanyang mister na si Zanjoe Marudo sa Araw ng mga Ama.

Makikita rin sa picture ang baby bump ni Ria.

“To the dad you already are and the dad I know you’ll be. Love you @onlyzanjoemarudo,” sey ng aktres sa kanyang caption.

“So excited for this new chapter with you,” aniya pa.

Marami nang naghihinala na nagdadalang-tao si Ria buhat noong ikasal sila ni Zanjoe noong Marso.

Samantala, ilang celebrity naman ang nag-congratulate sa mag-asawa. Kasama na diyan sina Nadine Lustre, Jason Abalos, Jane Oineza at Arci Muñoz.