‘Rewind,’ mapapanood na sa Netflix

Mapapanood na sa Netflix ang pelikulang “Rewind” na pinagbibidahan ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Mapapanood na sa Netflix ang pelikulang “Rewind” na pinagbibidahan ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Ito ang inulat ng Netflix sa isang social media post.

Ayon sa streaming giant, paparating na ang pelikula sa kanilang platform Marso 25.

Tumabo sa takilya ang “Rewind” na bahagi ng Metro Manila Film Festival noong Disyembre.

Kinilala ito bilang highest-grossing film of all time at nakatanggap ng pagkilala mula sa Senado.