Revilla brothers itinuring na lodi si Rep. Barzaga

Labis na ikinalungkot ng magkapatid na Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla at AGIMAT Party-list Rep. Bryan Revilla ang pagpanaw ng kapwa nila mambabatas na si Rep. Elpidio 'Pidi' Barzaga Jr.

Labis na ikinalungkot ng magkapatid na Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla at AGIMAT Party-list Rep. Bryan Revilla ang pagpanaw ng kapwa nila mambabatas na si Rep. Elpidio ‘Pidi’ Barzaga Jr.

Nagbahagi si Jolo ng isang social media post kung saan ipinakita niya ang larawan habang nasa tabi ni Barzaga sa ospital. Personal na nagtungo si Jolo sa US upang bisitahin si Barzaga matapos itong sumailalim sa operasyon sa puso noong Oktobre.

“Nakakalungkot na balita ang aming natanggap, pumanaw na ang kinatawan ng ika-4 na Distrito ng Cavite, Cong Pidi Barzaga. Nakikiramay ang aming buong pamilya sa inyong pagpanaw, may your soul rest in peace,” saad ni Jolo sa kanyang post.

“Si Cong Pidi ay isa sa mga haligi ng Cavite at nakita natin kung paano niya ibinuhos ang kanyang oras at buhay para sa ikauunlad ng DasmariƱas City, isa sa aking mga iniidolo at kinikilalang Ama na din sa pagseserbisyo,” dagdag pa niya.

Samantala, malaki naman ang utang na loob ni Bryan kay Pidi sa pagkatatag ng kanyang party-list.

“Your leadership is a great example of how public service should be, the people of DasmariƱas is very lucky to have Cong. Pidi. Walang Agimat Party-list kung walang Cong. Pidi na sumuporta sa atin,” aniya.

“Hinding hindi ko makakalimutan ang lahat ng magagandang aral at bagay na ibinahagi mo sa akin,” saad pa ni Bryan.

Si Barzaga ay binawian ng buhay nitong Sabado sa edad na 74.