‘Resolute in our goal’: Kamara, suportado si PBBM sa pagsulong ng Karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea—Romualdez

Nagkakaisa ang lahat ng sangay ng pamahalaan sa laban sa West Philippine Sea, at patunay rito ang pondong ibinigay sa AFP upang mas mapalakas ang kapasidad nitong pangalagaan ang kapayapaan sa bansa at protektahan ang teritoryo nito.

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na buo ang suporta ng Kamara sa laban ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS), at patunay rito ang sapat na pondo na ibinigay para sa pagpapalakas ng kapasidad ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“We are resolute in our goal to ensure a future where our fishermen can fish in peace, and our natural resources are managed sustainably for the Filipino people,” saad ni Romualdez sa kaniyang pagdalo sa ika-88 anibersaryo ng pagtatatag ng AFP na ginanap sa Camp Aguinaldo sa Quezon City nitong Huwebes, Disyembre 21.

BASAHIN RIN: Bagong diskarte tayo: Modernisasyon ng AFP, tututok sa EEZ ng bansa

Dagdag pa niya, suportado ng House of Representatives ang kagustuhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin at gawing moderno ang AFP upang mas maprotektahan nito ang teritoryo ng bansa, kabilang na ang WPS.

“The House aligns with President Ferdinand R. Marcos Jr.’s vision of a modern and well-equipped AFP, capable of effectively asserting our territorial sovereignty and maritime rights,” sabi pa ng Speaker.

Nilagdaan ni Marcos ang national budget nito lamang Miyerkules, Disyembre 20, at mayroon itong alokasyong P1.5 bilyon para sa pagpapatayo ng isang paliparan sa Pag-asa Island sa WPS.

BASAHIN RIN: Magiging ‘world-class force’ kayo: PBBM, todo suporta sa modernisasyon ng AFP