Residente ng Tawi-tawi inulan ng ayuda mula sa BPSF

Nakatanggap ng halos P700 milyon ang 135,000 na benepisyaryo sa Tawi-Tawi sa isinagawang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ngayong Miyerkoles.

Nakatanggap ng halos P700 milyon ang 135,000 na benepisyaryo sa Tawi-Tawi sa isinagawang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ngayong Miyerkoles.

Tatagal sa Tawi-Tawi ang BPSF hanggang Biyernes upang makapaghatid ang gobyerno at tulong pinansyal at serbisyo sa mga residente.

Pinangunahan ni House of Representatives Speaker Ferdinand Martin ang naturang caravan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Aniya, pang-pito na ang Tawi-Tawi sa napuntahan ng BPSF sa Mindanao. Sunod umano nilang bibisatahin ay ang Davao del Norte sa mga susunod na araw.

“Natutuwa kami at naabot ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. ang lalawigan ng Tawi-Tawi dito sa BARMM. Wala pong mahirap puntahan kung tayo ay nagkakaisa, maging Mindanao man ito o isla sa BARMM,” ani Romualdez.

Samantala, kabilang sa mga napuntahan na ng BPSF sa Mindanao ay ang Zamboanga City, Bukidnon, Agusan del Norte, Sultan Kudarat, Davao de Oro, at Cagayan de Oro.