‘Research ship’ ng Pinas binuntutan ng China

Sinundan ng Chinese Coast Guard (CCG) ang Philippine research vessel BRP H Ventura at ang Philippine Coast Guard's BRP Gabriela Silang.

Sinundan ng Chinese Coast Guard (CCG) ang Philippine research vessel BRP H Ventura at ang Philippine Coast Guard’s BRP Gabriela Silang.

Ayon sa ulat ng Super Radyo dzBB, naglalayag ang mga vessel papuntang Bajo de Masinloc nang buntutan ito.

Dahil dito, huminto ng walong oras ang mga barko 35 nautical miles mula sa baybayin ng Luzon.

Bandang alas-10 ng umaga ay tumuloy din ang mga ito sa paglayag patungo sa Bajo de Masinloc habang sinusundan pa rin ng CCG.

Samantala, sinabi naman ni international advocacy group SeaLight Director Ray Powell na dapat maging maingat ang Pilipinas laban sa anumang aksyon na maaaring gawin ng China laban sa hydrographic survey.

Ang hydrographic surveys ay nagmamapa ng mga pisikal na katangian ng isang underwater na lugar.