Research kasi muna! Dance troupe ng Cebu Technological University, kinastigo ng mga Muslim nang gamitin ang tradisyunal na kasuotan sa Sinulog Festival, na pistang Katoliko

Ang Sinulog Festival ay taunang selebrasyong idinadaos sa Cebu bilang paggunita kay Santo Niño. Isa ito sa mga pinakakilala, pinakamasaya, at pinakamakulay na pista sa bansa.

Viral ngayon sa social media ang Cebu Technological University (CTU) matapos ang diumano’y maling pagpapakita nito sa kultura ng mga Muslim sa isang sayaw para sa Sinulog Festival sa Cebu.

Sa naturang sayaw, suot ng mga mag-aaral ng CTU ang mga tradisyunal na kasuotan ng mga Muslim sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) habang ang iba ay may hawak pang imahe ni Santo Niño—na hindi pinaniniwalaan ng mga Muslim.

Unang in-upload ng Ka Fiesta TV ang video ng sayaw ng CTU, na bahagi ng selebrasyon ng Sinulog.

Ayon naman sa isang netizen, tila ginaya pa ng mga mananayaw ang sayaw ng “Kagapir,” subalit palpak rin dahil sa mga katutubong sayaw ng mga Muslim ay bawal hawakan ng mga lalaki ang babae.

Naglabas na ng pahayag ang pamunuan ng CTU upang humingi ng dispensa sa isyu at nangakong iimbestigahan kung bakit ganoon ang nangyari.

“We are committed to learning from this experience and taking steps to ensure that such incidents do not occur again,” pagtitiyak ng CTU. “We will be conducting a thorough internal review of our performance practices to identify areas where we can improve our understanding and respect for diverse cultural and religious backgrounds.”

Ang Sinulog Festival ay taunang selebrasyong idinadaos sa Cebu bilang paggunita kay Santo Niño. Isa ito sa mga pinakakilala, pinakamasaya, at pinakamakulay na pista sa bansa.