Rescue ng PCG sa mga sundalong inatake ng China coast guard, inabot ng 12 hrs!

Inabot ng mahigit 12 oras ang pag-rescue ng Philippine Coast Guard sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines na sakay ng barko na binangga ng Chinese Coast Guard sa Ayungin Shoal.

Inabot ng mahigit 12 oras ang pag-rescue ng Philippine Coast Guard sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines na sakay ng barko na binangga ng Chinese Coast Guard sa Ayungin Shoal.

Sa ambush interview sa Malakanyang, sinabi ni National Task Force for the West Philippine Sea spokesman Commodore Jay Tarriela na 10:00 ng umaga noong Hunyo 17 nang makatanggap’ ng tawag ang kanilang hanay na may nasugatang sundalo.

“It took us more than 12 hours to retrieve our injured personnel on board BRP Sierra Madre,” pahayag ni Tarriela.

Agad naman aniyang nagpadala ang PCG ng BRP Cabra at BRP Bagacay para saklolohan ang sasakyang pangdagat ng AFP na hinila ng Chinese Coast Guard (CCG) para magsagawa ng medical mission.

Walong sundalo ang nasugatan sa naturang insidente kung saan ang isa ay naputulan ng daliri.