Rep. Zaldy Co tiwala sa lakas ng Esports sa ‘Pinas

Suportado ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co ang pagpapaunlad ng Esports community sa bansa.

Suportado ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co ang pagpapaunlad ng Esports community sa bansa.

Ito’y matapos ilunsad ang Unity League, ang panibagong tournament para sa sikat na mobile game na Mobile Legends: Bang Bang (MLBB).

Ayon sa Kongresista, kita ang lakas ng Pilipinas pagdating sa Esports, patunay diyan ang mga achievements na nakuha ng SIBOL, ang representative ng Pilipinas sa mga international tournaments.

“Malaki ang chance natin to dominate in this field – very evident with the achievements of SIBOL, the Philippine e-sports team,” wika ni Co.

“They ranked no. 1 out of 111 countries last year. We know the Pinoy e-sport community can achieve even more as we cheer them on,” lahad pa ng Ako Bicol party-list representative.

Matatandaan na noong 32nd Southeast Asian Games ay nakakuha ng gintong medalya ang SIBOL sa MLBB.

Ito na ang ikatlong sunod na gold finish ng Pilipinas sa Mobile Legends event sa SEA Games.