Rep. Zaldy Co: Pabahay sa mahihirap, parte ng PBBM Legacy Projects!

Patuloy ang development ng proyektong pabahay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Patuloy ang development ng proyektong pabahay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Ito ang inihayag ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co nang inspeksyunin niya ang mga sites ng naturang housing projects.

Ayon kay Co, hindi natatapos sa pagpasa ng budget ang suporta ng Kongreso sa proyekto ni PBBM.

“Under the leadership of Speaker Martin Romualdez, kami sa Congress, part of our function is to make sure that the priority projects of the administration are not just well-allocated ang budget but also, nagagawa yung mga projects,” ani Co sa isang Facebook post.

“That’s why nagsite inspection kami sa mga 4P’s housing projects sa San Mateo, Novaliches at Caloocan,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Co na mabilis ang naging development ng protekto isang buwan nang huling siyang bumisita sa mga sites nito.

“These condominium style housing projects are part of PBBM’s Legacy Project. Aside from Metro Manila, the 4P’s housing project is simultaneously done in different regions all over the country,” giit pa niya.