Rep. Zaldy Co, nagbigay P10-M pabuya sa PNP sa pagbuwag sa sindikato sa Bicol

Nagbigay si Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co ng P10 milyon pabuya sa Philippine National Police (PNP) sa pagbuwag sa Concepcion Gang sa Bicol region.

Nagbigay si Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co ng P10 milyon pabuya sa Philippine National Police (PNP) sa pagbuwag sa Concepcion Gang sa Bicol region.

Ang notorious na grupo ay sangkot sa mga iligal na aktibidad tulad ng gun-for-hire, extortion, pagnanakaw, at iba pa.

“Malaking bagay po ang pagka-neutralize ng Concepcion Gang. Matagal na po naming pino-problema ‘yan, and I promised to give 10 million pesos out of my own pocket for the capture of this criminal and terrorist group,” ani Co.

Dagdag pa ng mambabatas, ang reward money ay isang pagkilala sa kabayanihan ng mga pulis na hindi alintana ang panganib makapagsilbi lamang sa taumbayan.

“Ang ibinigay nating reward ay bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga pulis na handang ialay ang kanilang buhay para lamang siguraduhin ang kaligtasan ng taumbayan. Our police officers’ bravery and sacrifices, who confront dangers to protect us, are deeply appreciated,” saad niya.

Napaslang sa isang police operation si Gilbert Saysay Concepcion, ang tinuturong lider ng sindikato, at isa pa nitong miyembro na kinilala na si Laeco Josie Quite Saysay, sa Brgy. San martin De Porres sa Parañaque City noong Enero 24.