Rep. Zaldy Co inalala makulay na ‘Bicol Loco Hot Air Balloon Festival’

Inalala ni Ako Bicol Party-List Rep. Zaldy Co ang naging makulay at masayang pagdiriwang ng Bicol Loco Hot Air Balloon and Musical Festival noong Mayo 3 hanggang 5.

Inalala ni Ako Bicol Party-List Rep. Zaldy Co ang naging makulay at masayang pagdiriwang ng Bicol Loco Hot Air Balloon and Musical Festival noong Mayo 3 hanggang 5.

Nagkaroon kasi ng iba’t ibang guests, hot air balloon, special air shows, at aerial acrobatics shows sa naturang festival, na siyang nagpasaya sa mga bumisita.

Sa Facebook, nag-post si Co kung saan inaalala niya ang mga nangyaring kaganapan. Aniya, kahit halos magda-dalawang buwan na ang festival ay parang kahapon lang ang mga pangyayari.

“Almost 2 months na rin after the Bicol Loco fever! I could still recall the bright smiles from our Pinoy audiences – bata, matanda, may katayuan o wala, lahat ay nabighani sa spectacular air shows! Bringing the Cappadocia experience over the majestic
Mayon was all worth it!” caption ni Co.

Kabilang sa mga nag-perform ay sina Sarah Geronimo, Bamboo, Apl De Ap, Ely Buendia at Jericho Rosales.

TINGNAN: