Rep. Co siniguro suporta sa agri, food security programs ni PBBM

Patuloy na nakasuporta ang mababang kapulungan sa mga programang pang-agrikultura at food security ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hatid sa mga Pilipino sa Bicol region.

Patuloy na nakasuporta ang mababang kapulungan sa mga programang pang-agrikultura at food security ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hatid sa mga Pilipino sa Bicol region.

Sa kanyang speech sa Albay Astrodome, Legazpi city, sinabi ni Ako Bikol Partylist Rep. Zaldy Co na maglalaan ang Kongreso ng bilyong pondo upang suportahan ang mga programa ng pamahalaang Marcos sa irigasyon, agrikultura at food security sa bansa.

“Makakaasa po kayo sa matibay at tuluy-tuloy na suporta ng House of Representatives sa inyong mga adhikain para sa bansa. Kasama po dito ang paglalaan ng Kongreso ng bilyun-bilyong pondo para sa irigasyon at contract farming ng bigas; pamimigay ng binhi, pataba at makinarya; pati na rin modernong teknolohiya tulad ng solar-fertigation na inaasahang magpapalaki sa ani ng mga magsasaka,” sabi ni Co.

Makakatanggap ang libu-libong magsasaka, mangingisda at mga pamilya mula sa Albay, Sorsogon, Masbate at Catanduanes ng sampung libong pisong ayuda mula sa Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolks, and Families.

Mamimigay din ang Department of Agriculture ng farm equipment and machinery; fertilizer and seedlings; piglets and feeds at maging animal vaccines; habang maglalaan ng mga libreng bangka ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga bikolanong mangingisda.