Rep. Co: P600B ‘most historical’ ayuda, pinamudmod ni PBBM!

Naglaan ang pamahalaan ng halos 600 bilyong piso o kalahating trilyong piso para sa malawakang programang pampublikong ayuda para sa mga residente ng Bicol region at buong Pilipinas.

Naglaan ang pamahalaan ng halos 600 bilyong piso o kalahating trilyong piso para sa malawakang programang pampublikong ayuda para sa mga residente ng Bicol region at buong Pilipinas.

Ayon kay Ako Bicol Rep. Zaldy Co, ang pondong ito ay naglalayong makatulong sa mga Pilipinong apektado ng mataas na presyo ng bilihin o inflation.

“Almost 600 billion or half a trillion pesos ang inilaan ng ating gobyerno, ng ating Pangulo, ng aming Speaker Martin Romualdez ng Kongreso na unang-una, yan po ang pang counter, sa anti-inflation sa pagtaas ng mga bilihin.” pahayag ni Co.

Dagdag ni Co, ito ay halos 500% na pagtaas kumpara sa nakaraang taon, upang masiguro na ang bawat Pilipino ay may sapat na suporta at tulong upang makabangon mula sa mga hamon na kinakaharap natin ngayon.

Kabilang sa mga programa ang MAIP, AKAP, at AICS, na naglalayong masiguro ang kagalingan at kaligtasan ng bawat Pilipino, lalo na sa panahon ng sakuna tulad ng malakas na bagyo at pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

“Nakikita natin ang determinasyon ng ating pamahalaan na tiyakin na ang bawat Pilipino ay may sapat na suporta at tulong upang makabangon mula sa mga hamon na kinakaharap natin ngayon,” anang mambabatas.

Ibinahagi rin ni Co na layunin ng pamahalaan na masiguro ang kagalingan at kaligtasan ng mga residente, lalo na sa panahon ng sakuna tulad ng malakas na bagyo at pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.