Rep. Co kay Angara: Suriin 2025 budget ni VP Sara sa DepEd

Hindi pa man nag-iinit sa puwesto, may apela na si Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co kay bagong Education Secretary Sonny Angara.

Hindi pa man nag-iinit sa puwesto, may apela na si Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co kay bagong Education Secretary Sonny Angara.

Hirit ni Co kay Angara, busisiin ang panukalang budget ng DepEd para sa taong 2025..

“We believe Secretary Angara is a good fit for the Department of Education considering the wealth of expertise, credentials, and perspectives being brought to DepEd,” pahayag ni Co.

“This early, we advise the Secretary to scrutinize the prepared 2025 DepEd budget and make sure that budget directly solves the quality crisis in our country’s public K to 12 schools,” dagdag ni Co.

Ayon kay Co, mas makabubuti kung kulunsultahin ni Angara ang hinaing ng mga guro, magulang at mga estudyante.

“Please quickly land on your feet and immediately get your bearings at DepEd. Make your mark, consult the teachers and parents, and make enrolment and school opening smooth. The sooner you take hold of the DepEd reins, the better,” pahayag ni Co.

Una nang inanunsyo kahapon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si Angara ang napili niya bilang kalihim ng DepEd kapalit ng nagbitiw na si Vice President Sara Duterte.

Magiging epektibo ang appointment ni Angara sa Hulyo 19.