Rep. Castro kay Quiboloy: Kung ‘di ka guilty, lumabas ka!

Hinamon ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Teachers party-list Rep. France Castro si Pastor Apollo Quiboloy na imbis na maglatag ng mga kondisyon ay harapin na lamang ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

Hinamon ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Teachers party-list Rep. France Castro si Pastor Apollo Quiboloy na imbis na maglatag ng mga kondisyon ay harapin na lamang ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

Ayon kay Castro, sa pagtatago ni Quiboloy ay pinapalakas lamang niya ang argumento na guilty siya sa kanyang mga kaso.

“Quiboloy should just face the charges against him here and in the US to prove if he is indeed innocent. He should also attend the hearings in Congress and the Senate, instead of just being a fugitive,” pahayag ni Castro.

“Sa pagtatago nya, lalo lang lumalakas ang argumento na mukhang guilty talaga sya,” dugtong pa ng mambabatas.

“We urge Quiboloy to face the case against him and dispel any doubts regarding his innocence. Demanding guarantees only perpetuates the perception of guilt. Justice should prevail, and he should face the legal process without further delay,” dagdag pa ni Castro.

Ang pahayag ni Castro ay kanyang tugon sa audio statement ni Quiboloy noong Sabado. Sa naturang statement ay sinabi ng pastor na lilitaw lamang siya para harapin ang kanyang mga kaso kung magbibigay ng garantiya ang pamahalaan na hindi makikialam ang Amerika sa paglilitis sa kanya.

Kasunod ito ng paratang ni Quiboloy na gusto siyang ipapatay ng Amerika at minamanmanan umano ang kanyang mga kilos gamit ang mga drone