Rep. Bongalon suportado dagdag P9 bilyon sa pondo ng 4Ps

Suportado ni House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party-list Rep. Raul Angelo Bongalon ang panukalang supplemental budget para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Suportado ni House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party-list Rep. Raul Angelo Bongalon ang panukalang supplemental budget para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ani Bongalon, dapat lamang na dagdagan ng P9 bilyon ang pondo ng 4Ps dahil na rin sa pagtapyas ng nakalaan na alokasyon para dito. Si Deputy Speaker David Suarez ang unang naglutang ng naturang panukala.

“I strongly support this proposal to address the P9-billion deficit in the 4Ps. Batas po itong 4Ps, and we are mandated to fund its implementation. This will give justice to 4Ps beneficiaries who have been deprived of financial aid because of the deficit and the budget cut,” saad ni Bongalon nitong Lunes.

“The longer the deficit stays, the more we deprive these 4 million poor Filipinos of a fighting chance to triumph over poverty. This program is meant to help poor Filipinos for a certain number of years, to help them in their daily needs and sending their children to school,” dagdag pa niya.

Si Senadora Imee Marcos ang nagtapyas ng P13 bilyon sa pondo ng 4Ps noong nakaraang taon upang gamitin ang nabanggit na halaga sa iba pang programa ng pamahalaan.

Gayunman, nangamba si Bongalon na aabot sa 900,000 pamilya ang ‘di makakakuha ng tulong-pinansyal dahil sa pondong tinapyas sa 4Ps.