Rendon, Rosmar nanigaw sa Palawan

Viral ngayon sa social media ang video ng pagwawala nina Rendon Labador at Rosmar Tan sa Coron, Palawan.

Viral ngayon sa social media ang video ng pagwawala nina Rendon Labador at Rosmar Tan sa Coron, Palawan.

Base sa video sa TikTok, mapapanood na nanggagalaiti ang dalawa sa isang babae sa Palawan.

Sey ni Rendon habang dinuduro ang babae: “Pumunta kami dito para tumulong at i-promote yung Coron kapal naman ng mukha mo tumutulong na kami. Sino ba pinagmamalaki nito? Bakit pinapayagan nyo yung mga gantong staff ng munisipyo?”

Mapapansin din sa video na tila umiiyak si Rosmar. Samantala, hindi pa malinaw ang dahilan kung bakit nanggigigil ang dalawang social media personality.

PANOORIN:

@ms_nid_ Rosemar at team malakas galit na galit na galit desmayado daw dahil tumulong na sinisiraan pa #rosemar #rosmarpalawanisssue #rosemartanlangmalakas #teammalakas #viralvideo #followers #coronpalawan #touristspot #desmayado #rosemartan #ccto ♬ original sound – ♍️ViRGO♍️