Remulla: Misteryo ni Alice Guo, lulutasin ng DOJ!

Nangako si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na aalamin nila ang katotohanan sa di umano’y pagkakasangkot ni suspended Bamban Mayor Alice Guo at ng kanyang 13 mga kasabwat pagtatayo o operasyon ng POGO sa kanilang lugar.

Sinabi ito ni Remulla kasunod ng 1st preliminary investigation ng Department of Justice, hinggil sa kasong qualified trafficking in persons na isinampa ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

“Unmask the mystery of this case, file charges if evidence warrants,“ saad ni Remulla sa mga prosecutors.

“The government is relentless in its commitment to eradicating human trafficking. Let us ensure that offenders should be accountable regardless of their position in the society,” dagdag ni Remulla.
Samantala tanging ang abogado lang ng mga respondents ang humarap sa panel.

Itinakda ang 2nd preliminary investigation sa July 22, kung saan inatasan ang mga respondents na mag sumite ng kani-kanlang counter-affidavits.