Remulla humirit sa NBI: Silipin aktibidad ng mga foreign diplomat

Hinimok ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang mga ilegal na gawain ng mga foreign diplomat sa Pilipinas.

Hinimok ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang mga ilegal na gawain ng mga foreign diplomat sa Pilipinas.

Ayon kay Remulla, dapat igalang ng mga foreign diplomat ang mga umiiral na batas sa bansa.

“Diplomatic immunity should never be used as a license to exploit our country’s peace and harmony for selfish motives, this privilege does not shield anyone from the consequences of the Rule of Law,” saad ni Remulla.

Dagdag pa ng Department of Justice (DOJ), uubra lang ang immunity ng mga foreign diplomat sa mga aktibidad na sakop ng kanilang mga opisyal na trabaho.

“However, diplomatic immunity is only with respect to official acts performed in the exercise of official duties and functions necessary for advocating international comity, policies and interests,” pahayag ng ahensya.

Ang pahayag ni Remulla ay kasunod ng pagkakalat ng Chinese Embassy sa Maynila ng ‘di umano’y pag-uusap ng isa nilang diplomat at ng isang opisyal ng AFP. Ang pag-uusap ay tungkol umano sa ‘new model’ na pangangasiwa sa Ayungin Shoal.