Remulla active pa rin sa DOJ sa kabila ng heart bypass surgery

Ipinaalam ng tagapagsalita ng Department of Justice (DOJ) na si Atty. Mico Clavano na kahit kasalukuyang nagpapagaling si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla mula sa kanyang bypass operation, nananatiling aktibo siya sa DOJ.

Ayon kay Clavano, si Secretary Remulla ay nagpapagaling pa rin mula sa kanyang bypass procedure noong Hunyo 27, 2023.

Inabisuhan siya ng kanyang doktor na maghinay-hinay dahil hindi biro ang lima niyang nabypasan na arterya.

Pero kasalukuyan pa ring aktibo si Secretary Remulla, at patuloy siyang nagbibigay ng mga instruksyon araw-araw.

“He’s okay. He’s still recovering from his bypass… the doctor’s advised him to take it slow dahil syempre hindi biro yung lima no na binypass na arteries ni secretary. But right now, he is active. He gives instructions everyday,” ani Clavano.

Paliwanag rin ni Clavano na dahil sa mga gamot na iniinom ni Secretary Remulla, medyo mababa pa ang kanyang immune system. Ngunit sinabi ni Clavano na maayos ang kalagayan ng kalihim at umaasa siyang makabalik siya sa trabaho sa lalong madaling panahon.

Nang tanungin kung iniisip ni Secretary Remulla ang magbitiw sa kanyang puwesto, sinagot niya, “Never.”