Relo mula sa Titanic, nakakalula presyo!

Naibenta ng $1.4 million o abot sa P84M ang isang gintong relo na kasamang lumubog sa Titanic.

Naibenta ng $1.4 million o abot sa P84M ang isang gintong relo na kasamang lumubog sa Titanic.

Ayon sa auctioneer na Henry Aldridge & Son, ang relo ay pagmamay-ari ng pinakamayamang pasahero noon ng naturang barko.

May initials na JJA ang relo, na ang ibig sabihin ay John Jacob Astor, isang kilalang negosyante noong 1800s.

Si Astor ay kasamang nasawi sa paglubog ng Titanic. Namatay siya habang tinutulungan ang kanyang misis na makasakay sa lifeboat.

Nakaligtas ang kanyang asawa sa paglubog ng Titanic.