Relaks lang kayo, wegotchufam! Kontrolado ng gobyerno ang peace and order situation ngayong BSKE—Comelec

Nananatiling nasa yellow category ang lalawigan ng Abra, kahit na mayroong napapabalitang pananakot sa mga guro at nagbitiw ang 30 sa kanila sa pagsisilbi sa board of election inspectors.

Iginiit ni Commission on Elections (Comelec) chair George Garcia na nasa full control ng gobyerno ang sitwasyon, maging ang lalawigan ng Abra, habang ginaganap ang barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) ngayon Lunes, Oktubre 30.

“We would like to assure the people of Abra and the entire country that the Comelec is in control, our partners in the PNP (Philippine National Police), AFP (Armed Forces of the Philippines), Philippine Army, DepEd (Department of Education), we are in full control of the situation here in Abra and the entire country,” sinabi ng opisyal.

Nilinaw ni Garcia ang sitwasyon matapos makipagpulong sa mga awtoridad sa lalawigan nang kumalat ang impormasyon na diumanong nasa red category ang Abra.

Nananatili sa yellow category ang probinsya, habang umusbong ang mga ulat na nagkaroon ng pananakot sa mga guro at 30 sa kanila ay nagbitiw bilang board of election inspectors (BEI).

“Sa kasalukuyan, we are under yellow category hindi nasa red, or orange at pina-sasalamatan natin ang ating provincial director at Chiefs of Police sapagkat name-maintain nila ang peace and order sa area,” aniya.

Nagkakaisa ang Comelec, PNP, AFP at DepEd para siguruhin na makakaboto ang lahat ng mamamayan, at ligtas ang lahat ng magtatrabaho para sa halalan sa Abra.

“We can guarantee you as of this time na hindi mangyayayri ang mga perception ang paniniwala ng iba na magkakaroon ng kaguluhan,” ayon pa sa opisyal