Region 5, ika-8 na may pinakamataas na antas ng inflation sa bansa—PSA

Ang pagtaas sa presyo ng pagkain at alcoholic beverages ang isa sa mga malaking dahilan sa pagtaas ng inflation sa buong Bicol region, ayon sa ahensya.

LEGAZPI CITY – Sa pinakahuling tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) Bicol, 1.2% ang itinaas ng inflation rate sa rehiyon.

Ayon sa PSA Bicol, mula sa 4.4% nitong Agosto umabot ito ng 5.6% nitong Setyembre, nangangahulugang nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ilan sa mga may malaking kontribusyon sa pagtaas ng inflation rate ay ang food and alcholic beverages na umabot sa 10.3% nitong Setyembre habang 7.2% lamang ito noong Agusto.

Probinsya ng Camarines Norte ang may pinakamataas na inflation na umabot sa 8.5%. Sinundan ng Albay na may 6.3%, Catanduanes 5.50%, Sosrsogon 5.1%, Camarines Sur 4.8% habang pinakababa naman ang inflation sa Masbate na umabot lamang ng 4.3%.

Nabatid na ika-8 ang Bicol sa 17 rehiyon sa bansa na may mataas na inflation rate nitong Setyembre.