Red Tide alert: Katubigan sa Panay, iba pang mga lugar, may nakakalasong red tide — BFAR

Paalala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), hindi ligtas kainin ang mga lamang-dagat mula sa mga lugar na may red tide.

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na may red tide sa siyam na lugar sa bansa.

Ayon sa BFAR may red tide sa sumusunod na mga lugar:

• Sapian Bay (Ivisan and Sapian in Capiz; Mambuquiao and Camanci, Batan in Aklan)

• Coastal waters of Pilar in Capiz

• Coastal waters of President Roxas in Capiz

• Coastal waters of Roxas City in Capiz

• Coastal waters of Gigantes Islands, Carles in Iloilo

• Coastal waters of Dauis and Tagbilaran City in Bohol

• Dumanquillas Bay in Zamboanga del Sur

• Coastal waters of San Benito in Surigao del Norte

• Lianga Bay in Surigao del Sur

Dagdag pa ng BFAR, hindi ligtas ang pagkain ng tahong o alamang na galing sa mga naturang lugar.

Gayunpaman, ligtas pa rin kainin ang mga isda, hipon, posit, at alimango na mahuhuli sa mga naturang lugar basta’s lilinisin ng mabuti at tatanggalin ang lamang-loob.