Red tape pa more? Mga donasyong plastic cards sa LTO, muling naantala dahil sa proseso

Ayon sa LTO, mga “formalities” na lamang ang mga proseso, at tiwala itong maaayos ang lahat upang masimulan na ang pamamahagi ng mga driver’s license.

Kailangan pang maghintay ang mga motoristang nagnanais makakuha ng plastic card na driver’s license dahil dadaan pa sa proseso ang donasyong apat na milyon na plastic card ng Philippine Society of Medicine for Drivers.

“As of now, we still don’t have the cards because… We are still waiting for the OSG’s (Office of the Solicitor General) opinion so that everything would be smoothed out… so we won’t have problems. We are just waiting for that so we can be given the green light as far as the four million [card] donations are concerned,” paliwanag ni Land Transportation Office (LTO) Chief Atty. Vigor Mendoza II sa isang panayam sa radyo nitong Lunes, Enero 15.

Bukod pa diyan, daraan pa sa House Committee on Transportation at Department of Science and Technology (DOST) ang naturang mga donasyon.

“All of our cards, per batch, go through the DOST where they will (inspect) the thickness, weight, the quality of the material… It would also need a proof of concept… and the security code. They will also review that,” dagdag ni Mendoza.

Ayon naman kay Mendoza, mga “formalities” na lamang ang mga nasabing proseso, at tiwala itong maaayos ang lahat upang masimulan na ang pamamahagi ng mga driver’s license.