Recto inaasahang aprub agad sa CA bilang DOF Secretary

Nakatakdang pagpasyahan ng bicameral Commission on Appointments (CA) sa Marso 13 ang pagtatalaga kay Ralph Recto bilang Kalihim ng Department of Finance (DOF).

Nakatakdang pagpasyahan ng bicameral Commission on Appointments (CA) sa Marso 13 ang pagtatalaga kay Ralph Recto bilang Kalihim ng Department of Finance (DOF).

Ayon kay CA Assistant Minority Leader at Surigao del Sur Representative Johnny Pimentel, inaasahan niya na magiging madali ang proseso para sa pagkakatalaga kay Recto.

“The CA’s committee on finance chaired by Senator Ramon Revilla Jr. will hold its confirmation hearing on Secretary Recto’s ad-interim appointment on Wednesday,” ani Pimentel.

“It will likely be a breeze for Secretary Recto. We expect him to be accorded the courtesy of a swift confirmation, considering that he used to be a member of both the House of Representatives and the Senate,” saad pa nito.

Ang CA ay binubuo ng 12 miyembro mula sa Kapulungan at Senado, at ang Pangulo ng Senado bilang ex officio na tagapangulo ng sesyon.