Record-high P6.35-T nat’l budget para sa 2025 isinumite ng DBCC

Isinumite na ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) nitong Huwebes ang P6.352 trilyong pambansang pondo para sa taong 2025.

Isinumite na ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) nitong Huwebes ang P6.352 trilyong pambansang pondo para sa taong 2025.

Record-high ang 2025 national budget na katumbas ng 22% gross domestic product ng bansa at 10% na mas malaki kumpara sa P5.768-T pondo noong nakaraang taon.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, paglalaanan ng pondo ang pagpapalakas ng mga programang aalalay sa mga mahihirap na Pilipino.

“It’s really a very ambitious part that we’re asking the Bureau of Internal Revenue and Bureau of Customs to increase their revenue annually by double digit. We’re on top of many of the reforms to modernize and to ensure that the government is able to provide the services that we need,” sabi ni Pangandaman.

Dagdag niya, kasama sa mga programang ito ang pagpapalawig ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), at ang pagbibigay suporta para sa darating na eleksyon.

“We do want to support and reach our growth targets for the new term. Having this fiscal space will actually allow [the President] to spend more on priority measures infrastructure, on social services and the like,” aniya.