Record-high P6.2-T nat’l budget target ng Kongreso – Romualdez

Nakatakdang aprubahan ng Kongreso ang record-high na P6.2 trilyong halaga ng 2025 national budget sa pagbabalik sesyon nito sa July 22, ayon kay House Speaker Martin G. Romualdez.

Nakatakdang aprubahan ng Kongreso ang record-high na P6.2 trilyong halaga ng 2025 national budget sa pagbabalik sesyon nito sa July 22, ayon kay House Speaker Martin G. Romualdez.

Mas malaki ito nang 7.5% o P432.4 bilyon kumpara sa P5.7-T pambansang pondo noong nakaraang taon.

“Syempre naman yung budget, kasi pagkatapos ng Sona (State of the Nation Address), isusumite na naman ‘yung budget sa 2025. Kaya dun na lang ‘yung kasunduan na lang na pinag-uusapan natin ng House of Representatives. Yun ang pinakamabigat at pinakamalaking legislation,” saad ni Romualdez.

Dagdag niya, patuloy na popondohan ng Kongreso ang mga programa ng pamahalaang Marcos na tumutulong sa mga mangagawa at ordinaryong Pilipino tulad ng TUPAD program.

“Nakikita ko napakaganda itong programa na ginagawa ng DOLE na TUPAD payout para sa mga magsasaka. Nakita mo naman masayang-masaya, masigla talaga ang ating beneficiaries…kaya itutuloy din natin itong programa sa susunod na budget, kaya ito ang gusto talaga ng taong-bayan,” aniya.