Record breaking! Metro Manila umabot heat index sa 45°C

Matinding init ang naramdaman sa Metro Manila nitong Sabado.

Matinding init ang naramdaman sa Metro Manila nitong Sabado.

Ito’y matapos na maitala ang all-time record sa pinakamataas na heat index na naitala sa NCR.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), umabot sa 45°C ang heat index sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at 42°C sa Quezon City Science Garden.

Ang naturang heat index ay parehong nasa danger level.

Samantala, sa Aparri, Cagayan naman ay umabot sa 48°C.

Nagbabala na ang mga weather expert na sa Mayo ay posibleng mas umalinsangan pa ang init ng panahon sa bansa.