Reason for Hope: Pag-angat sa Corruption Perception Index malaking hamon sa Administrasyong Marcos

Tiniyak ng Palasyo na hindi ititigil ang digitalization sa gobyerno upang mapalakas ang paglaban sa katiwaliaan.

Itinuturing ng Malacañang na hamon sa Administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang bahagyang pag-angat ng Pilipinas sa Corruption Perception Index ng Transparency International.

Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na patunay lamang ito na nagkakabunga ang pagsisikap ng pamahalaan na linisin ang hanay nito at maituturing na pag-asa sa hinaharap.

“The Government takes note of the slight improvement of the Philippines’ standing in the Corruption Perception Index of Transparency International. We consider this result as both a challenge to do better and a reason for hope that the country is headed in the right direction,” ayon kay Secretary Bersamin.

Mula sa 116th umakyat ang Pilipinas sa 115th sa 2023 Corruption Perception Index.

Bahagya ring tumaas ang score ng bansa sa 34 out of 100 mula sa 33 noong 2022.

Dagdag ni Bersamin, sa mga hakbang na ikinakasa ng kasalukuyang administrasyon, hangad nila na magkaroon ng ibayong pagbabago at mas epektibong pagkakaloob ng serbisyo sa taumbayan. “Let us be optimistic and assured that the Government will not fail or falter in its steadfast commitment to effectively provide efficient and transparent public service.”