Ready makulong sa Senado! Bato dela Rosa inasar ni ‘Pikoy’

Nanggagalaiti si Senator Bato Dela Rosa matapos umamin si dating National Police Commission (Napolcom) staff Eric "Pikoy" Santiago na niloko niya lang si Department of Justice Investigation agent Romeo Enriquez hinggil sa CCTV footage na iprinisenta ni ex-PDEA agent Jonathan Morales sa PDEA Leaks hearing.

Nanggagalaiti si Senator Bato Dela Rosa matapos umamin si dating National Police Commission (Napolcom) staff Eric “Pikoy” Santiago na niloko niya lang si Department of Justice Investigation agent Romeo Enriquez hinggil sa CCTV footage na iprinisenta ni ex-PDEA agent Jonathan Morales sa PDEA Leaks hearing.

“Sino ka para magturo sa amin dito? Hindi ka nga naging pulis. Hindi ka nga naging PDEA. Napolcom employee ka lang, na-dismiss ka pa. This committee doesn’t need your expert opinion here. This committee wants your answer as far as your participation in that very telling video recording [or] CCTV,” sabi ni Senator Bato.

Maririnig sa sinasabing CCTV footage ni Senator Bato na nakikipag-usap si Enriquez sa isang “Eric Santiago” na umano’y pinipigilan si Morales na humarap sa Senado dahil sa death threats.

“Kagaya po ng sinabi ko noong unang hearing, Sir — niloloko ko po si [Romeo] hindi po kayo. Pero sila ang nagpasakay sa inyo, hindi ako. Kagaya noong sinabi ko ng unang hearing, Sir, meron po sana akong gustong patunayan na dalawang bagay — ang unang bagay ay ‘yung nakarating ako dito dahil sa kwento ko sa dalawa,” sagot ni Santiago.

Dagdag niya, “Forgive me for saying this, hindi ko akalain na papatulan ninyo po ‘yung pang-aano ko po sa kanila, Sir, eh. Hindi ko po inexpect na papatulan ninyo para makarating ako rito.”

Tuluyang nagalit si Senator Bato at tinawag na sinungaling si Santiago.

Naghain ng contempt for lying ang senador na sinagot naman ni Santiago na: “Thank you, Sir. May dala na po akong bag, Sir”