Rambulan ng kabataan, sumiklab sa isang pampublikong eskwelahan sa Legazpi City

Umaapela ang mga opisyal ng barangay na magpadala ng regular na police patrol sa Gogon High School dahil napapadalas ang gulo sa mga mag-aaral.

LEGAZPI CITY – Nagkarambulan ang dalawang grupo ng kabataan sa labas ng isang pampublikong paaralan sa Barangay Gogon sa Lungsod ng Legazpi pasado alas-6:00 ng gabi nitong Huwebes, September 21, 2023.

Kabilang sa nangyaring rambulan ang dalawang estudyante ng Gogon High School.

Ayon kay Kagawad Tess De Mesa, hindi ito ang unang beses na may naganap na rambol sa labas ng naturang paaralan kaya hiling nito sa mga nanunungkulan na magtalaga ng pulis sa lugar.

Samantala, tumanggi na ang paaralan na pangalanan pa ang dalawa nilang nasangkot na mag-aaral subalit kanila rin raw itong ipapatawag at iimbestigahan.

Nakatakda rin na ipatawag sa barangay ang lahat ng kasali sa naturang insidente.