Rambol ng mga oppa sa Taguig! 4 na Koreano, kalaboso matapos magsuntukan sa labas ng bar

Ayon sa mga awtoridad, magkakakilala pala ang apat na Koreano at magkakasamang umiinom noong gabing iyon. Hindi nga lang matukoy kung ano ang pinag-ugatan ng kanilang away.

Nauwi sa kulungan ang masaya sanang inuman ng apat na Koreano matapos nitong magdulot ng gulo sa bar na kanilang ininuman sa Taguig City nitong Huwebes ng gabi, Enero 25.

Kwento ng guwardya ng nasabing bar, nagkainitan na ang apat at nagsimula nang mag-away. Pilit niya umanong inaawat ang mga Koreano, subalit patuloy pa rin ang mga ito sa pagsusuntukan.

Dito na tumawag ng mga pulis ang guwardiya at pamunuan ng nasabing bar.

Agad namang inaresto ang apat at dinala sa presinto.

Ayon sa mga awtoridad, magkakakilala pala ang apat na Koreano at magkakasamang umiinom noong gabing iyon. Hindi nga lang matukoy kung ano ang pinag-ugatan ng kanilang away.

Reklamong alarm and scandal ang kakaharapin ng mga oppang nanggulo.