Ramadan sa ‘Pinas, magsisimula na sa March 12

Magsisimula na ang Ramadan sa Pilipinas sa Martes, March 12, 2024.

Magsisimula na ang Ramadan sa Pilipinas sa Martes, March 12, 2024.

Inanunsyo ito ni Sheikh Abdulrauf Guialani matapos na hindi masilyan ang buwan nitong Linggo ng gabi.

“By the authority vested in me as Bangsamoro mufti, I, Abdulrauf Guialani, hereby announce that the crescent moon was not sighted today,” lahad ni Guilani.

“Therefore, Ramadan fasting 2024 will officially commence on Tuesday, March 12,” wika niya pa.

Sa kasagsagan ng Ramadan, magsasagawa ng fasting ang mga Muslim, kung saan bawal silang kumain o uminom habang nakatirik pa ang araw.

Ang mga may sakit, matatanda at buntis ay exempted naman sa fasting.