Rally ng kampo ni Duterte, ‘di dapat tawaging ‘peace rally’ – solon

Kung si Isabela Rep. Inno Dy ang tatanungin, hindi dapat tawaging 'prayer rally for peace' ang ginagawang pagtitipon ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung si Isabela Rep. Inno Dy ang tatanungin, hindi dapat tawaging ‘prayer rally for peace’ ang ginagawang pagtitipon ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, nagiging tulay ang ‘peace rally’ para bastusin ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“The fact that they are calling it a peace rally is a bit ironic,” sabi ni Dy.

“It’s not all about peace. Puro paninira ang nangyayari, puro pambabastos pa, puro paninira sa ating current administration but they’re not even offering any other solutions to what they’re saying or the problems,” aniya pa.

Matatandaan na sa isang prayer rally ay inakusahan ni Duterte na ginagamit umano ni Marcos ang Charter change para mag-extend sa pwesto.

Tinawag din ni Duterte na ‘adik’ si PBBM sa isa ring prayer rally.

“Nakakalungkot na ganito ‘yung sitwasyon nila ano, na patuloy pa rin hanggang ngayon na sinusubukan nilang siraan ang ating Pangulo pero hindi naman po matitibag basta-basta ang popularidad, ang support ng ating mga kababayan sa ating mahal na Pangulo,” giit ni Dy.