Raffy Tulfo rumatsada sa presidential survey

Umangat si Senador Raffy Tulfo sa presidenteial survey na isinagawa ng Pulse Asia nitong unang linggo ng Marso.

Umangat si Senador Raffy Tulfo sa presidenteial survey na isinagawa ng Pulse Asia nitong unang linggo ng Marso.

Batay sa survey, 35% ng mga respondent ang nagsabing si Tulfo ang kanilang manok sa pagka-pangulo sakaling ngayon gaganapin ang presidential elections.

Pumangalawa naman si Bise Presidente Sara Duterte na nakakuha ng 34%.

Nakabuntot naman sa ikatlong pwesto si ex-Vice President Leni Robredo (11%), na sinundan nina Senadora Imee Marcos (5%), ex-senator Manny Pacquiao (3%), Senador Robin Padilla (2%), at Senadora Risa Hontiveros (1%).

Mula sa pagiging brodkaster ay tumakbo si Tulfo sa pagka-senador noong 2022 at tumapos sa ikatlong pwesto sa senatorial race, tangan ang mahigit 23 milyong boto.

Samantala, dinomina ni VP Sara ang vice presidential race noong 2022 kung saan nakakuha siya ng mahigit 32 milyong boto.

Ang susunod na presidential elections ay sa 2028 pa.