Rachel Alejandro napagkamalang si Leni Robredo

Hindi natiis ng ilang mga netizen na paulanan ang pinost na larawan ng singer na si Rachel Alejandro ng mga komento tungkol sa pagkakahawig niya kay dating Bise Presidente Leni Robredo.

Hindi natiis ng ilang mga netizen na paulanan ang pinost na larawan ng singer na si Rachel Alejandro ng mga komento tungkol sa pagkakahawig niya kay dating Bise Presidente Leni Robredo.

Sa kanyang Facebook account ay nagpost si Alejandro ng beach photo kasabay ng kanyang ika-49 kaarawan na ipinagdiwang niya sa Puerto Rico.

“Gracias, everyone, for the birthday greetings! Muchos besos desde Puerto Rico!” saad ng singer sa caption.

Halo-halo naman ang komento ng mga netizen sa post. Habang ang iba ay binati si Alejandro sa kanyang kaarawan, ang iba naman ay sinita ang pagkakahawig niya kay Robredo.

Narito ang ilan sa mga komento:

“Ang sexy naman ng Madam Busy Presidente namin, Leni Gerona Robredo.”

“Wow Madam Lenie robredo kaya pala panay abroad kasi nagpaganda at nagpa enhance.”

“Sorry, akala ko si Madam Leni. My fault.”

“We love you Atty. Leni Robredo.”