Rabbit, sisiw huwag gawing giveaway sa Easter Sunday – PAWS

Nanawagan ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na hindi dapat gawing giveaway ang mga rabbit, sisiw at iba pang hayop sa Easter Sunday.

Nanawagan ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na hindi dapat gawing giveaway ang mga rabbit, sisiw at iba pang hayop sa Easter Sunday.

Ayon sa PAWS, maraming ‘Easter bunny’ ang agad na namamatay dahil hindi naaalagaan ng maayos.

“Despite many years of PAWS’ campaigning against live animal giveaways or having animals as raffle items, several non-animal welfare friendly establishments still insist on giving away live rabbits or chicks for Easter and other events,” lahad ng PAWS.

“Sadly, 95% of “Easter bunny” giveaways don’t make it to age one. Sure, they’re cute and cuddly.. but they also need a LOT of care.,” saad pa.

Isa pa sa madalas ibigay sa mga events ay ang mga sisiw na kinukulayan pa ng dye.

Dahil dito, inudyukan ng PAWS ang publiko na i-report sa Bureau of Animal Industry (BAI) ang mga establishment na nagpapa-giveaway ng mga hayop.