Quirino Grandstand naging makulay sa Araw ng Kalayaan

Tila naging isang makulay na pista ang naging pagdiriwang sa ika-126 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, na ginanap sa Quirino Grandstand ngayong Miyerkoles, Hunyo 12.

Tila naging isang makulay na pista ang naging pagdiriwang sa ika-126 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, na ginanap sa Quirino Grandstand ngayong Miyerkoles, Hunyo 12.

Dinayo kasi ng publiko ang iba’t ibang aktibidad na inihandog ng iba’t ibang government at non-government organizations.

Mahigit nasa 50 ahensya ang may kanya-kanyang booth, kung saan abala silang nagbibigay serbisyo at kagamitan sa mga tao.

Isa rin sa mga inabangan ay ang pormal na pagbubukas sa Independence Parade. Dito ay bumida ang nasa 20 float na nagpakita ng mga kaganapang humantong sa deklarasyon ng kalayaan ng bansa mula sa Espanya noong Hunyo 12, 1898.

Samantala, kinasabikan din ang Magkakaroon ng 20 float na magpapakita ng mga kaganapang humantong sa deklarasyon ng kalayaan ng bansa mula sa Espanya noong Hunyo 12, 1898.

Susundan ito ng libreng konsiyerto libreng performance concert tampok ang sikat na P-Pop (Pinoy-Pop) group na BINI at iba pang mga artista.