Quiboloy supporters na nang atake ng pulis, kakasohan ng PNP

Magsasamapa ang Philippine National Police (PNP) ng obstruction of justice laban sa anim na tao matapos nilang salakayin ang mga pulis na nag-implement ng warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy at limang iba pa sa Davao City.

Magsasamapa ang Philippine National Police (PNP) ng obstruction of justice laban sa anim na tao matapos nilang salakayin ang mga pulis na nag-implement ng warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy at limang iba pa sa Davao City.

Sinabi ni PNP Spokesperson at Public Information Chief Col. Jean Fajardo na kahit nag implement sila ng maximum tolerance, may ilang pulis na nakatanggap ng water cannon attack mula sa mga suporters ni Quiboloy.

“Nakita naman natin sa mga lumabas na video kung paano winater cannon yung mga kapulisan natin na supposedly mag-iimplement ng WOAs diyan sa KOJC (Kingdom of Jesus Christ) compound and yet nakita niyo rin kung paano naging kalmado yung ating mga pulis. Hindi sila gumanti at naging mahinahon sila dahil yun naman ang kabilin bilinan ng ground commander to exercise maximum tolerance,” ani Fajardo

Dagdag ni Fajardo na may mga bata pang ginamit para harangin ang mga pulis na nagsisilbi ng warrant.

Samantala, may anim na lalaki aniya na dinala sa istasyon ng pulis, at narecover mula sa kanila ang 17 bolos at isang marble gun.

Mayroon tayong nainvite sa police station na 6 na kalalakihan at for your information also inattack din yung ating mga kapulisan doon. May 17 bolos tayong narecover doon at talagang sinaktan yung ating kapulisan pero hindi gumanti. Mayroon pa tayong narecover na isang marble gun na kung yan ay pinaputok sa ating mga pulis this would somehow sustain yung major injuries kapag tumama yun sa mata or sa katawan ay this will cause some major injuries at in spite of that ay hindi pa rin gumanti yung ating mga kapulisan dahil yun talaga yung bilin. Maximum tolerance tayo,” pagpupunto ni Fajardo.

Kinuwestiyon din ni Fajardo ang paratang na may overkill at excessive force sa pag-implement ng warrant, na kinakailangan umano ng mas malakas na presensya ng pulis dahil sa mataas na profile ni Quiboloy.

“Yung presence lang natin doon ay to really maintain peace and security during the implementation ng WOA. Huwag natin kalimutan na hindi lang si Pastor Quiboloy ang hinahanap natin. Katulad ng sinabi ko may 5 pa tayong akusado na hinahanap na ang mabibigat yung kaso na mga ito. sexual assault, sexual abuse at qualified trafficking, mabibigat na kaso. Ang isa pa nga diyan ay non-bailable at huwag din natin kalimutan na ang hinahabol natin dito ay considered na mga fugitives from justice,” dagdag niya.

Muling tinawag ng PNP si Quiboloy at ang iba pang mga akusado na sumuko at harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanila.