Quiboloy supporters na gumamit ng itak para harangin PNP, arestado!

Inaresto ng Philippine National Police (PNP) ang anim sa mga supporters ni Apollo Quiboloy na gumamit umano ng itak upang harangin ang kapulisan sa kasagsagan ng arrest warrant nito noong Lunes.

Inaresto ng Philippine National Police (PNP) ang anim sa mga supporters ni Apollo Quiboloy na gumamit umano ng itak upang harangin ang kapulisan sa kasagsagan ng arrest warrant nito noong Lunes.

Ayon kay Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, anim sa miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang dinala sa istasyon ng PNP matapos umanong atakihin ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng regional police sa pagpasok nito sa compound ni Quiboloy.

“Mayroon tayong nainvite sa police station na 6 na kalalakihan at for your information also inattack din yung ating mga kapulisan doon,” sabi ni Fajardo.

Bagaman dinala sa kulungan, pinalaya rin ng PNP ang mga suspek at sasampahan na lamang ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1829 o Obstruction of Justice at Batas Pambansa 6 sa pagdadala ng mga patalim.

Hindi naman na sasampahan ng kaso ang mga taga-KOJC na gumamit ng water cannon upang padapain ang mga kapulisan sa harap ng compound.

Dagdag ni Fajardo, isa ito sa mga sitwasyong iniiwasan ng PNP dahil nalalagay din ni Quiboloy sa panganib ang kanyang mga taga-suporta