Quiboloy sa ‘Pinas pa rin nagtatago – DOJ

Sa Pilipinas lang umano nagtatago si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy, ayon sa Department of Justice (DOJ).

Sa Pilipinas lang umano nagtatago si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy, ayon sa Department of Justice (DOJ).

“Yes, we do have information that he is still within the country unless there’re new developments from the police. But, as far as our information is concerned at the DOJ, he is currently still in the country,” saad ni DOJ Assistant Sec. Dominic Clavano.

Aniya pa, sinimulan na rin ng DOJ ang hakbang upang patawan ng hold departure order ang wanted na pastor.

“These are normal legal processes that the prosecutors are very used to. So, once you have a respondent or an accused, that is a flight risk especially given the resources that this person has, then the prosecutors are very diligent in making sure that that doesn’t happen – that the accused is able to leave the country without actually facing the allegations in the proper forum,” dagdag pa niya.

Dalawang korte na sa Pilipinas ang naglabas ng warrant of arrest laban kay Quiboloy. Bukod pa rito, pinapatawag din siya ng Senado at Kamara para sa pagdinig ng kanyang mga kaso.

Hindi na lumilitaw kahit sa mga programa sa telebisyon si Quiboloy. Kung maglabas man ito ng pahayag ay sa pamamagitan lamang ng audio message.

Ilang beses na ring sinabi ng pastor na hindi siya lilitaw sapagkat ang plano raw ng Pilipinas ay ibigay siya sa US para siya ay patayin.