Quiboloy pina-subpoena na ng Senado

Kinumpirma ni Senadora Risa Hontiveros na may inilabas ng subpoena para ipatawag ang kontrobersyal na Kingdom of Jesus Christ pastor na si Apollo Quiboloy.

Kinumpirma ni Senadora Risa Hontiveros na may inilabas ng subpoena para ipatawag ang kontrobersyal na Kingdom of Jesus Christ pastor na si Apollo Quiboloy.

Sa Senate committee hearing nitong Lunes, ibinahagi ni Hontiveros na pinirmahan na ni Senate President Miguel Zubiri ang subpoena para kay Quiboloy.

Ibig sabihin ay kakailanganing humarap si Quiboloy sa Senado para harapin ang imbestigasyon ukol sa mga reklamong sexual abuse at iba pang complaint laban sa kanya.

Matatandaan na sinabi ni Quiboloy na sa korte na siya haharap at kahit umano ipa-subpoena siya ng Senado ay hindi siya sisipot.

“You already convicted me in your hearing; that’s wrong. I will not subject myself to unfair statements. I will not subject myself to injustices done under the cloak of Senate hearing,” dating lahad ni Quiboloy.

Ilang testigo ang humarap sa Senado kung saan ibinunyag ang umano’y pang-aabuso ni Quiboloy gamit ang Kingdom of Jesus Christ.