Quiboloy patuloy na pinaghahahanap — DOJ

Patuloy pa rin ang mga awtoridad sa paghahanap sa kinaroroonan ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.

Patuloy pa rin ang mga awtoridad sa paghahanap sa kinaroroonan ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Mico Clavano, ang pag-aresto kay Quiboloy ay nasa kamay na ng mga ahensya ng pagpapatupad ng batas.

“Ito po ay isang law enforcement issue as of now dahil ‘yung role ng DOJ at that time was to file the case against the pastor. Dahil hindi pa po nahuhuli, we have to leave it up to the law enforcement agencies to do their job,” saad ni Clavano.

Aniya, hinihintay na lang nila ang pagdakip kay Quiboloy bago nila ito usigin.

“Once the warrant of arrest is fulfilled or satisfied, that’s the only time the DOJ will come again and prosecute for the charges,” dagdag pa nito.

Si Quiboloy ay nahaharap sa ksong qualified human trafficking, mga kasong child at sexual abuse sa Davao City.